Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, December 23, 2006

Doktora dinedo sa Subic, inhinyero nag-suicide

SUBIC BAY FREEPORT – Nauwi sa madugong kamatayan ang paghihiwalay ng magkasintahan makaraang barilin at mapatay ang isang doktora ng kanyang live-in partner na inhinyero bago nagbaril sa sarili ang huli sa loob ng kanilang bahay sa Binictican Housing sa Subic Bay Freeport Zone, kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Intelligence and Investigation Office (IIO) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), kapwa naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives sina Engr. Leonardo P. Joseph at Dr. Emily Gonzales na may mga tama ng bala ng baril sa ulo.

Bandang alas-9 ng gabi nang narinig ng isang maintenance worker ang pag-aaway ng dalawa sa loob ng kanilang tahanan sa Mango Drive sa bahagi ng Binictican housing.

Matapos ang sigawan ay tatlong sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at natagpuan ang dalawa na duguang nakabulagta na may tama ng bala ng baril sa dibdib at ulo ang babae habang isang bala naman sa ngalangala na tumagos sa ulo.

Ayon sa tagapagsiyasat, pinatay muna ng lalaki ang kanyang live-in partner bago ito nagdesisyong wakasan na rin ang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Narekober sa tabi ng bangkay ng inhinyero ang ginamit na baril sa pagpapakamatay ni Joseph matapos barilin nito ang kanyang doktora na pinaniniwalaang nakatalaga sa James L. Gordon Hospital.

Napag-alaman bago pa maganap ang insidente ay may namagitang matinding pagtatalo ang magkasintahan dahil sa planong makipaghiwalay ng babae sa lalaki.
Ni Jeff Tombado - Ang Pilipino STAR Ngayon

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012