Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, November 25, 2006

Mag-inang ZAMBALES trader kinidnap, tinodas

Nina Fred Lovino At Joy Cantos
Ang Pilipino STAR Ngayon

ZAMBALES – Pinaniniwalaang pinagnakawan muna bago kidnapin at patayin ang mag-inang negosyante ng anim na maskaradong kalalakihan na natagpuan ang mga bangkay sa bahagi ng Sitio Tambac, Barangay Palanginan, Zambales kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mag-inang pinatay na sina Judith Afable y, Medina, 74 at anak nitong si Isidore Afable 40, ng #24 Cecellie Ville St. White Plain, Quezon City at may bahay din sa Barangay Beneg, Botolan, Zambales.

Nauna nang iniulat ni SPO1 Ramon Supe kay P/Senior Supt. Arrazard Subong na pinagnakawan muna bago kinidnap ang mag-ina mula sa Barangay Beneg, Botolan, Zambales noon pang Miyerkules (Nov. 22) ng madaling-araw at ang ginamit ng mga kidnaper ay ang Toyota Corolla (XAP 860) na pag-aari ng pamilya Afable.

Napag-alamang pinasok ng mga kidnaper ang bahay ng mag-ina sa nabanggit na barangay bago iginapos ang drayber na si Angelo Garcis at ang katiwala na si Jesus Alejo.

Kinulimbat muna ng mga kawatan ang P75,000 cash at dalawang celfone na nasa kuwarto ng pamilya Afable bago tuluyang tumakas tangay ang mag-ina na sakay ng nasabing kotse.

Ayon naman kay Supt. Limpi Cayda, police chief ng Iba PNP, ang mga biktima na pinaniniwalaang pinahirapan muna ay may tama ng mga bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nasa loob ng pag-aaring kotse.

Kasalukuyang nangangalap na ng impormasyon ang pulisya sa pagkikilanlan ng mga kidnaper na posibleng hindi pa nakakalayo sa nabanggit na lalawigan.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012